Tuesday, August 15, 2006

haler from colombo 1-2

12 August 2005
Friday 17:02
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka

Haler from Colombo

hello,pagoda philippines dahil sa dami nang business meetings dito sa SL. kung sinu sino ang kinakausap para sa rabies control proj rito. ang siste ay parang RP ang dating. ang hirap kapag mapulitika ang lugar. magdo donate ka na nga, pahihirapan ka pa sa kung kanino dapat ibigay ang anda hahaha di bale, bansa naman nila ito eh. walang pinag iba sa bansa natin. puro personalities at walang katapusang lip service. pataasan din sila ng ihi at palawakan ng machination para sa political chu chu nila. leche flan!

yun nga, parang nangangarap na naman ako ng swiss govt. yung tipong di mo kilala ang govt leader dahil tahimik lang silang nagtatrabaho para sa bayan. kasing dami rin ng political posters dito tulad sa atin. di naman kainaman ang mga hilatsa hahahaha

anyway, im looking forward to good tropical sun (umaraw harinawa) in BKK next week and delicious thai cuisine. ill present 2 papers in http://www.wce2005.org/ if interested , pls visit that site.

pakiramdam ko ay ang puti ko na dito kahit umitim ako lalo. ang puputi kasi ng kutis ng mga SL noh. hahaha at ang mga kuko….wow sa linis. parang nagkamot ng malibag na leeg. ganon! hahaha

ngarag in colombo,

gino510

ps: no chance to buy ceylon tea due to job hazards. i hope to get some at the airport... at the end of the day, enjoy pa rin!

14 August 2005
Sunday 19:27
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka

Haler from Colombo 2

it was the foreign minister who was shot dead last night. LTTE ang hinala nila na pumatay. ewan ko lang kung ano yung grupo na iyon pero worldwide daw ang sakop nito at merong 45 offices kung saan saan. noong wednesday ay nakipag meeting kami sa health minister nila at hindi ko ininom ang tea with milk na inalok nya. pansin nya na hindi ko man lang tinikman. ngek kasuka noh? amoy pa lang ay bumabaligtad na ang sikmura ko. tapos, kinabukasan, itong health minister na ito ay ginawang leader ng lower house nila. chura!

gino510

PS1: will send you his pic and their food pic later. di kaya ng powers ko kaya sa safe at neutral foods lang ako. mga prutas!

PS2: isang oras mula ngayon, papunta na ako sa airport. next destination is thailand.
allvoices

No comments:

Post a Comment