Tuesday, August 15, 2006

hello from colombo 10-12

28 February 2006, Tuesday
Colombo, Sri Lanka

hello from colombo 10

just arrived here in colombo an hour ago from kandy. checked in the hotel already and parted from the japanese for a short time. nagsusumiksik na naman silang sumama sa philippine mama resto mamaya hahaha nagpaluto ako ng adobong baboy, sinigang na baboy, isda sa miso, ginisang kangkong. yun lang muna para sa hapunan maya maya. bukas bistek at lechong kawali naman ang nasa isip kong hapunan. ano ba yun? puro ata cardiac arrest ang kakainin ko lolzzzz

mahaba rin ang byahe namin kanina. umalis kami ng NE 6AM tapos 3PM na kami dumating rito sa colombo. pero okay lang at least, mas ok ang dot coms.

will be meeting with ex-JPN ambassador to SL tomorrow. dadalhin daw kami ng asawa niya bukas sa jewelry store, mahilig kasi yung hitad sa mga alahas. walang oras makabili ng mga abubot ngayon na-toxic kasi sa kandy at NE bukod sa walang mainam bilhin.

di rin masyadong makulay ang byahe ngayon kasi di pa nagkikita ang prof ko at ang luv interest niya hahaha

nag dinner nga pala kami noong isang gabi kasama ang dean ng vet med nila. at maganda yung restaurant nila kasi merong historic theme, ang daming mga memoirs at mga pics na mula 19th century colonial times. very interesting. meron din ba noon sa atin?

nagustuhan ng mga japanese ang ayuverdic massage nila dito (traditional massage). syempre, walang powder iyon at puro herbal oils chu chu lang. kaya panalo na rin. pero kailangang mag shampoo at magsabon maigi para maalis ang amoy. pero nakaka relax talaga.

abot din dito ang balita coup attempt (na naman) sa atin. buntong hininga na naman hahaha

01 March 2006, Wednesday
Colombo, Sri Lanka

hello from colombo 11

well, it's my final day today in SL. will be back here before april's end.

kahapon ay nagpunta kami sa isang jewelry store kasama ang ambassador at asawa niya na kung saan nakakita ako ng star sapphire na di ko carry ang presyo. 9000 USD kasi hahaha kaya yung kaya lang ng budget ko ang binili. blue sapphire this time. wala nga akong balak bumili pero di kinaya ng mga mata ang mga gems na iyon lolzzz meron din binigay na souvenir stones ang may ari. pink, white and yellow sapphire. mainam naman.

umalis na rin kagabi ang buong team namin. ako na lang ang naiwan dahil dadaan pa ako ng SIN mamayang gabi. kaya panalo. at least makakagawa ng sariling lakad.

di na nagkita ang mga luv birds dahil hectic ang prof ko kaya di na nakita ang luv interest niya. tsaka ma panalo kasi yung japonesa na kasama namin.

i met one pinoy MD here who works with jica and will have dinner with his family tonight before heading for the airport.

nagkita ulit kami ni madame minister at buti na lang kasi wala yung chimini niyang si visakha na mas maganda pa si angge.

01 March 2006, Wednesday
Colombo, Sri Lanka

hello from colombo 12

other interesting observations in SL:

nakakalito ang elevator. ang ground floor ay kaiba sa lobby, zero at first floor. kaya pinipindot ko lahat para hindi magkamali ng labas hahaha british influence, i think.

okay lang mag HHWW (holding hands while walking) ang mga lalaki. parang akbay ang equivalent sa atin.

mabaho para sa kanila ang amoy ng white flower chinese medicine.

matabang o bland daw ang lasa ng pagkaing pinoy ayon sa mga taga SL. gusto talaga nila ang maanghang. mas maanghang ang pagkain nila kaysa sa mga indians. at iba iba ang uri ng mga spices at curry ayon sa kanila.

nailing ang ulo nila sa pagsang-ayon pero iginagalaw ang ulo na parang indian way kapag hindi sigurado. kaiba noh?
allvoices

No comments:

Post a Comment