Friday, October 23, 2009

An OFW appeal to Philippine Government Authorities 2

Updated: 5 November 2009

I received some more letters from Dondon Celestino Lanuza, an Overseas Filipino Worker detained in KSA and in Death Row. I hope that it will reach the concerned authorities.

Dondon Celestino Lanuza October 23 at 9:13pm
Almost a year na po ata ng magkaroon kami ng konting alitan ni Sen. Gordon. Eto po yung tungkol sa ICRC na na-hostage po ng Abu Sayyaf. Na umiiyak pa po siya sa harap ng Media nakiki-usap na palayain na ang hostage. Maganda po ang ginawa niya dito. At ito din po yung time na maraming OFW ang mga naaapi, minamaltrato, ginagahasa at kung anu-ano pa na bakit di niya po magawan ng paraan para matulungan ang mga ito. O umiyak din siya sa harap ng Media para mapauwi po ang mga ito. Maraming run-away workers po, tinakasan ang mga sponsor dahil sa pang-aabuso at ngayon po ay nangangalakal sa kalsada at nag-pu-Puta para lang may makain at makauwi sa Pinas. Regarding sa Scholarship po naman ay taga Bacoor Cavite po kami at nag-o-offer po siya ng Scholarship. Kausap ko po dati ang kanyang Secretary na si Arnold Bermejo na sa Public School lang po nag-aaral ang 2 Anak ko na di po kakailanganin ng pang-Tuition. At nagtaka din po si Arnold na di kakailanganin ang Scholarship dahil wala naman babayaran sa Public School. Kahit po mga Projects ay di sakop ng Scholarship kay ang kanyang alok ay di po magagamit at naki-usap na lang po ako na Financial na lang po ang kanyang i-abot para po makabili ng mga kakailanganin sa pag-aaral gaya po ng Sapatos at Kuwaderno at kung anu-ano pa pero di niya po ito pinaunlakan.

allvoices

1 comment:

  1. Gosh! ARE THESE THE INTELLIGENT PEOPLE & LEADERS THAT WE ARE ALL VOTING/AND HAVE VOTED FOR? AND TRUSTING OUR LIVES & WEALTH PAINFULLY EARNED?

    ReplyDelete