Saturday, October 10, 2009

Thinking Out of the Box 25

Palimos Po

Alam natin na malaki ang pinsala ng dalawang magkasunod na trahedya na dumating sa bansa. Agad na tumulong ang karamihan ng mga Pilipino sa loob ng bansa pati na ang nasa ibayong dagat. Bukod dito, malaki rin ang ibinigay na tulong ng ibang bansa sa atin. Pati United Nations ay tumulong na rin.

Sa tuwing may sakuna ba sa atin ay hihingi tayo ng tulong? Nalimutan na ba natin na noong Disyembre 2004, may malakas na bagyo rin, si Yoyong. Oo, 900 ang namatay noon sa Bicol. Nanglimos din tayo. Tapos nasundan pa iyon ng maraming bagyo.

Anong ibig sabihin nito? Wala bang reserbang pera ang gobyerno para sa mga sakunang darating? E taun-taon ay meron tayong bagyo, di pa ba tayo nadadala? Hindi natin maiiwasan ang bagyo pero mababawasan nating ang mga epekto nito kung ating paghahandaan ng mabuti.

Okay lang ba na parati tayong manglilimos? Sang-ayon ba tayo na parati itong gagawin? Baka naman magsawa na ang mga tao at ibang bansa sa pagtulong sa atin? Kailan naman tayo tutulong sa iba kapag sila naman ang nasalanta?

Ang isa pang nakapagtataka na narining ko sa radyo, ipinapayo ng ilang commentators na kung magpapatayo ng bahay, kailangan daw na may salbabida o bangka ang bawa't bahay. Ano yon? Nag-isip kaya ang mga ito bago nila sinabi iyon? Kailan maaalis ang mga Band Aid solutions tulad niyan?

Sana ay mali ako na tatawanan lang natin ang lahat. Ganoon naman tayo, di ba? Tapos malilimutan natin ang aral na dapat na natutunan. Hanggang sa susunod na bagyo, ang dating gawi.

You might want to read this article: Mendicancy in the Philippines
allvoices

2 comments:

  1. i strongly agree with you doc. sana magkaroon tayo ng konting kaseryosohan tungkol sa mga sakunang nangyayari sa ating bansa. it's good to find humor in every difficulty that happens but some things just really need to be taken seriously lalo na kapag recurring na ang problema kagaya nitong mga typhoon sa ating bansa. sana gayahin natin ang japan na alam nila na prone ang kanilang bansa sa lindol so gumawa sila ng mga preventive measures. alam natin na prone ang ating bansa sa typhoon kaya dapat dito magfocus ang ating gobyerno pano mabawasan ang mga casualties due to typhoons.

    ReplyDelete
  2. tama, vannie. hindi na dapat palampasin ito. dapat ay i-pressure ng mga tao ang gobyerno para magkaroon ng mahigpit na regulasyon tungkol sa mga sakuna at ang bawa't tao ay dapat tupdin ang tungkulin para maging malinis ang kapaligiran.

    ReplyDelete