23 April 2005
Saturday 13:34
Colombo, Sri Lanka
ano na? kadarating ko lang dito sa CMB, Sri Lanka kaninang AM3:00 local time. parang RP ang bansang ito. 3rd world din ang dating! tropical clime, 27C now, at very humid. syempre pawisan ako pati lahat ng butas ng katawan kasama na ang ...singit! hahahaha
maraming curry ang pagkain dito kaya pili lang ako ng mga prutas medyo neutral foods, yung cholesterol-rich ba? hahaha
pati sa dami ng slum areas ay parang RP din dito. maraming nanlilimos sa kalye, parang sa quiapo at mura ang mga bilihin. at user-friendly ang internet service dito, di tulad sa switzerland...ang keyboard nila ay walang exclamation point! hahaha!
dahil sunday ngayon,di gaanong ma-traffic. pero ma-traffic daw pag working days.
di rin masyadong polluted ang hangin sa lugar na ito tulad ng MNL. kasi sa atin ay amoy gasolina ang hangin, dito ay slight lang.
marami ring 2nd hand japanese vehicles dito tulad sa atin. syempre, ang mga 3rd world ay umaasa sa dole out nitong mga sakang noh?hahahaha
yun lang muna ang update mula dito sa colombo...12hrs pa lang naman ako mula kaninang pag dating ko eh. nga pala, sri lanka is 2 hrs behind RP time...
cheers! (btw, no equivalent word in sinhalese)
26 April 2005
Tuesday 13:56
Colombo, Sri Lanka
haler. im in the hotel of my prof now writing this.e kaninang umaga nasa isang net cafe ako. ang haba na noong mail kotapos na disconnect ba bago opa man lang ma send! ngek
well, day 3 na ngayon. parang manila nga talaga dito. pero mas maraming puno ang buong colombo parang sa diliman qc. tsaka marami ring mga ibon, uwak ang marami tulad sa sapporo.
pakiramdam ko ay ang puti ko noh! ang batok, mga daliri sa kamay, palibot ng mata nitong mga sri lankans ay kasing puti ng pwet ng kawali hahaha paran may libag sa leeg hahaha pero mababait naman sila at friendly na rin.
yung hospital nilang 5 yrs old ay parang 25 yrs old na by 1st world standards. parang sa manila rin na medyo kulang sa maintenance ba? at ang halimuyak sa ospital nila ay parang yung amoy ng ospital sa mindoro,maasim asim ang dating at marumi.
ang mga bldgs ay iba ang ground floor sa first floor. yung 1st floor ay 2nd floor sa atin. right hand drive di dito. parang sa japan din na keep left sila comonwealth territory kasidati ito.
yung hotel ko ay may mural nirizal sa lobby. kasi 4 na beses nakarating dito si rizal. padalhan kita ng pic later.
maraming indian tourists dito. europeans chinese japanese at americans. ang mga business centers ay predomiantlysri lankan companies o indians o arab countries. peromay nakita akong mc donalds kanina.
maraming precious stones. at ibang alahas.
may nakita akong mga pinoy seamen dito kaya kainuman ko sila lagi hahaha
o yan lang muna ulit. thanks.
No comments:
Post a Comment