05 November 2005
Saturday 10:00
Seaman’s Lounge, Colombo, Sri Lanka
Hello from Colombo 3
yes, this is my 6th day in the island nation SL. intoxicating days have passed with the completion of our 3-days rabies workshop. it was indeed a challenging opportunity to work with them. it will test one's sanity and patience. i guess most bureaucrats are the same in developing countries.
mabuti na lang at may nakita akong pinoy na kainan dito. at least merong pang consuelo de bobo pag hapunan na. di talaga carry ng sikmura ko ang curry. the variety of which is endless. each one taste the same though. maski pagkain nila ng tinapay, isawsaw ba sa red hot chili paste? at meron pa iyong palamang sili. maliliit na sili at parang siopao ang filling. di ko ma imagine kung pano lunukin iyon. pati ang spaghetti sa italian restaurant ay ayaw paawat ng sili, sibuyas, bawang at kung anu ano pa. SL-inspired italian pasta ika nga.
at ang tea sa maliit na tasa? merong gatas at 2.5 teaspoonfuls of sugar. ok? gabundok ang asukal ng bawat isang kutsarita. mahihiya ang honey sa tamis.
syempre, hindi rin mawawala sa kultura nila ang nagkakamay sa pagkain kahit saan. very interesting.
maulan din dito ngayon kaya parang status quo lang ang kutis ko ngayon. hahaha
i look forward to an easy and pleasant time now before embarking it with who officials week next.
06 November 2005
Sunday 10:35
Seaman’s Lounge, Colombo, Sri Lanka
Hello from Colombo 4
i notice that Rx is relatively cheap in colombo. paubos na kasi ang meds stock ko kaya naisipan kong bumili kahapon. 20 caps-clarithromicin, 20 caps-erythromicin, 20-caps amoxicillin, and 20-caps cephalexin. everything costed about 2,000 rupees (PhP1,000). magkano ba sa atin lahat na iyan? karamihan ay gawa sa india ang mga gamot nila dito.
another thing nice here are the variety of precious stones. though they do not have endogenous diamonds, they have rubies down to moonstones and produce 45 kinds of these stones (sapphire, topaz, aquamarine, garnet etc). i went to a gem store an hour ago where ding velayo gets his. of course, i told them that i am a student so that i will get the price that i want hahaha so, with not-so-expensive budget i was able to purchase cat's eye set in silver. pinoy ata 'to...mahilig tumawad. hahaha
06 November 2005
Sunday 13:10
Seaman’s Lounge, Colombo, Sri Lanka
Hello from Colombo 5
sabi ko nga, naghapunan ako sa nag-iisang pinoy restaurant dito sa SL. mag volunteer bang sumama itong hapon kong prof. e syempre pinaunahan ko na siya na hindi mukhang restaurant iyon, kundi bahay lang. baka kasi ma-culture shock. lam mo naman itong mga sakang na ito, mas metikuloso pa sa akin sa lahat ng bagay. mula sa kalinisan hanggang sa time sked. lahat dapat ay nasa tamang ayos. kaya hayun pag dating namin doon ay ang daming pinoy, puro pinoy seamen. 21 barko kasi ang bagong salta kahapon kaya ang daming nag iinuman at karaoke sila. maingay nga e. pero sabi naman ng prof ko ay okay lang.
hintay hintay ng kalahating oras bago naihain ang tambakol na sinigang, piniritong tambakol at chicken adobo. mukhang weird at awkward nga mag kutsara at tinidor itong SL service driver namin kasi nga mas sanay sila mag kamay. e pano naman kaya kakain ng sinigang kung nagsu swimming ang kanin sa sabaw noh? hahaha
pero mukhang nasarapan naman sa ulam ang prof ko at balak pang maghapunan doon mamyang gabi. wagi!
….at mukhang na-type-an pa itong isang pinay OFW hahaha may asawa din at balak pang makipag date nitong prof koh hahaha he is such a flirt! lolzzz and his wife and 23-yr old son are my friends hahaha bahala siya hahaha
few hours from now i’ll have another relaxing moment by traditional SL massage cum aromatherapy.
07 November 2005
Monday 11:57
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka
Hello from Colombo 6
other interesting observations in SL: most men take domestic roles while women are not unusual outside home. women are common in the construction, agriculture and business sectors. they also do road asphalting, okay? men take care of the kids, laundry, food and other chores. they have lady prez, ne.
at one year old, children start to eat chili, curry and other spices. i wonder whether mother’s milk has it? hahaha
like their indian counterparts, young women have very attractive faces. no wonder indians make it in global competitions. wide and deep set eyes, high-bridged noses. but somewhat too-ornamented with that red-circle in the forehead, too many jewelries, national attire and the perfume which smothers me. pero mas marami pa ring pangit hahaha
isang beses sa isang lingo lang din maligo ang mga babae, tuwing huwebes lang. di ako sigurado kung dahil sa relihiyon iyon. pero nakalaylay ang mahahabang buhok nila pag araw na iyon. ibig sabihin ay hoy ang bangu bango ko noh hahaha kaya mas okay makipagkita sa kanila tuwing araw ng huwebes para hindi mahilo. ano kaya ang itsura ng panties nila pag dating ng miyerkules. baka matigas pa sa inalmirol na panty iyon? at amoy sili pa?
pag medyo nagkaka edad na, balacañang palace na sila. at ang mga pot-bellies ay ayaw na ring paawat. siguro nga kasi mahilig silang kumain tulad natin.
08 November 2005
Tuesday 14:17
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka
Hello from Colombo 7
im looking forward to having dinner with a pinay MD who is part of the WHO team who are visiting colombo at the same time due to the same reasons i came here for. we shall go, where else, to the pinoy resto. masarap talaga ang tsibug natin pati mag tagalog. pero mas madaling mag type sa english, ne? hahaha
last night i had dinner with a new SL friend. kumain kami ng chinese foods kasi sabi ko ay di nga ako nakain ng pagkain nila. okay lang daw. pagsubo ko, maanghang pa rin ang chinese nila. pero sa kanya ay bale wala lang. ngek. kailangan talaga ng industrial-strength deodorant, mouthwash at exhaust fan plzzzz
well, ang mura ng mga winter clothes dito. kanina ay may nakita na akong mga prospective winter attire na taj mahal ang presyo pag dating sa sapporo. pang bazar ang presyo. pero ang kenzo ay masyadong mabigat para sa akin kaya generic na lang hahaha
maraming french tourist ngayong araw na ito kaya na refresh na naman ng bonjour ko. parang nangangati ulit akong bumisita doon. hmmmm kelan kaya ulit?
bukas ay aakyat muli kami ng prof ko sa kandy (univ of peradeniya) para makipag partner sa research na balak naming gawin. sabi ko kasi sa kanya, ang hirap kausap kasi ng gobyerno. para parehong level naman ng discussion noh? ang hirap kasi pag sila ang ka-deal. walang kahahantungan ang usapan. panay pogi pointzzzz
10 November 2005
Thursday 10:23
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka
Hello from Colombo 8
kapagod ang byahe namin kahapon sa kandy. 130kms north off colombo, 3.5hrs traveling time one-way. 1000 meters above sea level. parang baguio ang lugar na iyon. naandoon din ang temple na kung saan makikita ang iniwang mga ngipin ni buddha. maganda rin ang mga zoo dito kasi bawal sa mga buddhists pumatay ng mga hayop kaya ang daming mga exotic animals sa kalsada. first time ko ring makakita ng porcupine. kadiri ang pork na iyon pero meron akong isang souvenire. parang pluma ang itsura, yung panulat ba ni rizal. pics to follow.
okay naman din ang usap namin sa mga univ professors. mukhang mabilis sila kumilos at magbigay ng kani kaniyang research proposals. hindi makupad. i hope to work with them more productively. a great contrast with people in public office.
noong pabalik na kami mula sa kandy ay panay discussions pa rin kami ng prof ko sa kotse. e hilung hilo na ako sa gutom. di nga kasi ako makakain kundi pinoy lang di ba? kaya oo lang ako ng oo. pero siya ay super mega excited sa project dito habang nai imagine ko na ang gusto kong kainin pag dating ng colombo. kaya tinawagan ko sa mobile yung pinay cook at pinahanda ang tinolang manok, lechong kawali at ginisang kang kong na paborito ng prof ko. akala niya noong una ay malansa ang adobong baboy pero noong nalasahan niya ay naparami ang kain niya hahaha gusto rin niya yung sinigang na isda kasi parang okinawan food nga, yung may miso ba. ganun. kaya nagyayaya siyang sumama sa akin sa pinoy restaurant.
pag dating naming sa kainan ay attack talaga ang ginawa ko pawisan pa noh hahaha tapos mukhang malungkot yung prof ko pero di ko siya pinapansin. binigay din niya yung buttered cake na regalo niya doon sa cook. pagkatapos kumain, biglang dumating yung type niyang pinay na si lilian. ting! biglang sumaya ang mukha niya at parang may nakita akong mga bituin at mga puso sa ere. usap usap, chikka chikka muna sila tapos ay iniwan ko sila para magkasarilinan ba. aba pag talikod ko ay nagpapalitan na sila ng mobile numbers hahaha pag tingin ko ulit sa prof ko ay nagmukhang high school siya hahaha true! ang bilis nga eh. talo pa koh hahaha pero umalis siya agad kasi maaga pa ang sked niya kinabukasan. pero pag dating niya sa hotel niya, tinawagan niya agad itong si lilian at huwag daw sabihin sa akin na tumawag siya. e siyempre andoon pa ako noon noh. pwede bang makalampas sa akin yon? sabi ko kay lilian ay sabihing niya na oo pero dapat ay alam ko noh hahaha mahiyain ata kasi itong mga sakang kaya ganoon. pero sana ay makapag date sila bago kami umalis bukas ng gabi. naku, mukhang mapapadalas pa ang pagpunta namin dito pag nagkataon.
nabili ko na rin yung winter collection na gusto ko. maluwag kasi ang sked ko sa araw na ito habang nakikipag meeting itong prof ko kung kani kanino. buti na lang at hindi niya ako sinama sa meeting na iyon kasi andoon yung asawa ng health minister nila na parating natawag sa akin at nangungulit kahit na nasa toilet ako para i-update yung pera na hinihingi ng gobyerno nila para sa rabies control program. eh wala naman sa akin noh. pati yung chimini nyang si visakha na mas maganda pa si angge, ay nakakayamot kausap. parang obligado yung kausap niya na pasayahin siya. the nerve!
i must admit that my prof has more patience than i have. it`s okay though. he does everything in front of the camera, while I do those behind the scenes. it`s more fulfilling.
baka ang susunod na email ko na ay pag nasa sapporo na ulit ako. paalis na kami bukas ng gabi at toxic kami buong araw bukas. tapos ay overnight ulit ako sa HKG. sino naman kaya ulit ang makikita ko doon?
11 November 2005
Friday 15:28
Colombo Plaza Hotel, Sri Lanka
Hello from Colombo 9
met up with WHO big wigs and SEARO member countries (SL, india, bhutan, nepal, n korea, mongolia, myanmar, and 2 other countries which i forgot) last night. WHO officials had the same impression of the government`s dedication, or the lack of it, in the project. they also encountered the same challenges relayed before.
it was my honor to have met up and discussed with dr sarah cleaveland, a british veterinary surgeon who has authored several papers in the same discipline. in the draft that i am writing right now, at least 6 of her papers were already cited.what an opportunity!
also met up with french dr francois x meslin, WHO rabies expert from geneva HQ office.
nakita ko na rin ng personal ang madam minister ng SL. magandang babae at very regal kumilos. buti na lang at hindi naman siya nangulit sa personal hahaha pero nakita ko na naman ulit si visakha. agresibong babae pag dating sa kadatungan. harinawang di na magkita ang aming landas hahaha
napansin ko rin na maraming chinese na karpintero dito sa hotel. nire renovate kasi. e bakit kaya hindi katutubo ang nagawa? e kasi naman pala, mas pulidong gumawa ang banyaga kaysa sa kanila. kaya kahit na maraming pwedeng gumawa sa kanila, kailangan pang mag import ng manpower. ibang case. pati sa mga garment factories dito, maraming pinoy na nagtatrabaho kahit kayang kaya nila ng mag supply ng mga tao. mainam kasi ang pinoy talent noh.
had to leave soon that reception dinner so that i may go with SL pinoys. angal din itong mga pinoy na ito makipagtrabaho sa kanila. kasi di nila ginagamit ang utak sa problem-solving. kung ano lang ang nakasalang sa harap nila, yun na iyon. di tulad nating mga noypi na maabilidad. cheers! pero sabi nga raw ng SL boss nila, kung di sila tanga, e nandito ba kayo ngayon? kaya ang dictum: hayaan na lang silang maging tanga hahaha
No comments:
Post a Comment