O3 July 2004
Saturday 13:34
Grindelwald, Switzerland
buon jour...guht matten...
yellow...bakit kaya ganito ang PC sa switzerland? bali baligtad ang keys ng keyboard kaya ang bagal ko mag type. hahaha hindi ko mahanap pati ang exclamation point. anyway, kararating ko lang dito sa grindelwald kaninang umaga. galing ako sa paris.
nakakatuwa na rin sa paris kasi parang nasa hollywood ang mga tao. puro japorms sila. araw araw nilang itsura ang coat & tie at ang kotse nila ay peugeot. ewan ko lang kung pano ang pronunciation nyan hahaha
di ko masyadong gusto ang pagkain nila kasi hindi sariwa ang gulay at merong after-taste ang tubig. hindi ko pa rin mahanap ang exclamation point, ok?
at me pagkamahal ang mga bilihin. parang 500USD ang gastos ko every 2 days. asan ka bang exclamation point ka? di ko tuloy ma-express ang state of shock ko sa presyo.
ok nmn ang eifel tower, la joconda, louvre, napoleon bonaparte institue. nakita ko na rin ang mga iniwang sterile erlenmeyer flasks ni louis pasteur. panalo talaga. nakita ko na rin ang notre dame. ok silang lahat sa paris. yun nga lang syempre meron silang aristocratic air kaya mejo snubbish sila. di masyadong cordial ang mga waiters. at pag bumili ka ng tinapay, baggette ata ang tawag doon, kamay ang pang hawak nila, they dont use tongs at all (exclamation point plzzz)
nagmamadali rin sila lagi maglakad sa kalye. at 10 seconds lang ata ang green traffic light mag-on. maraming graffiti din sa subway at tren. di kalinisan ang paris. on top of it...maraming ebs ng aso. kaya kung maglalakad ka, dapat malikot ang mata mo para di ka maka apak ni mina (as in ara mina). yun nga ata ang cause of death ni princess diana. baka iniwasan ng driver ang ebs kaya sumalpok sila sa pader ngek back to princess diana, nakita ko na rin ang ritz hotel, her last hotel before her tragic death.
today, i went to swiss alps. i went on top of europe. its 2225 meters high. panalo. dito sa swiss, mejo parang nasa ulap ang mga tao. easy lang sila. di nagmamadali. relaxed atmosphere. yasashi nga kumbaga sa nihongo. take it easy lang sila.
mas maganda rin ang swiss francs conversion sa USD. parang 1:1.something lang. di tulad ng euro to dollars, ang palitan ng 100USD ay naglalaro sa 55 to 75 euros. himatayin kaya ako (exclaim plzzz)
o ayan na lang muna, baka na bore ka na sa balita ko. till next mail....
merci...dan keht...
O6 July 2004
Tuesday AM10:53
Geneva, Switzerland
ganun pa rin ang key board, ok? this is my lastday in geneva. lipat naman ako bukas ng umaga sa london.
nakapunta ako sa mga UN offices like WHO, ILO, etc. masarap ang pagkain ng swiss. fresh veggies and fruits.
natatawa nga ako sa mga sakang na ito. masyadong magastos (exclaim). di nagre refill ng minreal H20 (exclaim) hahahaha. at noong nakakita ng maliit na gagamba sa bag, biglang humiyaw ng malakas. huminto tuloy ang sasakyan namin. akala noong driver kung ano na. ngek
ang daming chocolates. iba iba ang flavors. i bought orange, pistacchio , raspberry flavors etc. parang ngarag ako kakabili ng chocolate. sana hindi matunaw sa loob ng bag pag uwi hahahaha. kasi last year daw, natunaw ang mga choco dahil mainit masyado. pero ngayon, ok lang.
most of all, ang daming pinoy dito. parang tokyo din. nagpakuha nga ako ng mga pics e. ox na ox.
at...ang tindi ng leg pain ko dahil sa kakalakad at akyat ng mga bundok. di ako nakasama sa isang bundok sa grindelwald, baka di na ko makababa kung sumama pa.
it was a good learning experience for me. no amount of money can replace it. i learned culture (avoiding overdose), human behavior, history and philosophy. syempre science na rin. yung mga nababasa ko sa libro dati ay nasa ilalim ng ilong ko ngayon. im very satisfied.
few hours from now, its london time for me. after london, will stay for a few nights in tokyo. i am praying for safe way back home...in sapporo (exclaim)
merci...
No comments:
Post a Comment