Wednesday, October 21, 2009

An OFW appeal to Philippine Government Authorities

Updated: 5 November 2009
I received a letter of appeal from an Overseas Filipino Worker who is in Dammam Central Jail in Saudi Arabia since August 2000. He is appealing the Philippine Government for help.

Please read his letter, related articles and video below.

May gobyerno pa ba sa kaso ng OFW na si Dondon Lanuza?
Pangakong tulong ‘di tinupad nina VP Noli, Gordon, Loren, Jamby, Jinggoy sa pupugutang OFW sa Saudi Arabia
Apela ng OFW na pupugutan sa KSA
OFW in death row seeks help through Facebook video
OFW on death row seeks help for kids’ education
DonDon Lanuza Appeal

Dondon Celestino Lanuza October 21 at 10:49pm
Ako po ay si Rodelio 'Don2' Celestino Lanuza na nasa tamang edad at kasalukuyang nakapiit sa Dammam Central Jail ng Bansang Saudia Arabia simula pa po noong Agosto taong 2000...

Ako po ay nagkasala sa krimeng pagpatay sa isang Arabo at hinatulan po ng parusang kamatayan noong Hunyo taong 2002...

Ako po ay umapila na ire-kunsiderasyon ang Hatol ngunit magpa-hanggang ngayon ay wala pa pong resulta ang aking Apila sa Court of Cassation...

May Anim na Taon pa po simula ngayon ang aking ilalabi bago ipataw ang aking Hatol (ito po ang base sa edad ng Anak na dapat ay 18 taon gulang siya at siya po ang huling desisyon)...

May naghintay po ng 17 taon dito ngunit di pinalad patawarin ng Anak ng napatay niya at siya po ay napugutan na nuong nakaraang buwan...

Sa loob po ng 9 na taon na pinalagi ko dito sa kulungan ay madami na po akong nilapitan ngunit hindi po pinapansin ang aking Kaso...

Napakahirap po ng aking kinalalagyan at nararamdaman at napaka-sakit sa kalooban at wala pong oras na ako ay matahimik...

Pamilyado po ako at may 2 anak at patuloy po ang aking pamamalimos na kahit kanino o sino para lamang po mabuhay, makakain at mapag-aral ko po ang aking 2 anak...

Isa po akong OFW na tinaguriang Bagong Bayani ng ating Bansa na masakit sa damdamin ang mahiwalay sa mga mahal sa buhay para mangibang bayan, isang sakripisyong dapat gawin upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya ngunit sinawing palad...

Ang sector din po ng OFW ay lalong lumalaki dahil sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa at ang kapalit ng aming sakripisyo ay magandang ekonomiya dulot ng patuloy na padala o remittances...

Eto po ay dagdag yaman sa ating Treasury at wala etong katapat na gastusin sa bansa...

Sa kasalukuyan po ay lalong lumulobo ang bilang ng OFW at palagay ko po ito ay patuloy na magaganap sa ating bansa, kayat dapat lamang na palakasin ang ahensiya na umaasikaso sa aming sector, kagaya ko po na patuloy na nikikibaka na makahingi ng pardon sa aking nagawang ipagtanggol ang aking sarili...

Ako po ay umaapila at humihingi ng inyong tulong na bigyang pansin po ang aking hinaing, ang aking Kaso, na mapalaya po ako na makapiling po ang mga mahal sa buhay at ang tulong pang-edukasyon at pang-kalusugan ng aking pamilya...

Ako po ay nagpapa-salamat din sa lahat ng may mabuting puso na nakaka-unawa po akin at umaasa po sa inyo na bigyang atensyon ang aking panawagan...

Maraming salamat po...

Pagpalain nawa po kayo ng Poong Maykapal...


Lubos na gumagalang...

Rodelio 'Don2' Lanuza
OFW sa Deathrow 'KSA'
August 10, 2000

Pahabol po:
Sa karagdagan detalye ay maaari ko po kayong bigyang sa pamamagitan ng Email po...

Pakiusap ko lamang sa ating pamahalaan na patuloy akong i-represent sa pamahalaan ng KSA at wag magsawang makipag-ugnayan sa Pamilya ng biktima upang magkaroon katuparang makalaya.

Pakiusap ko lang din po sa inyo na bigyang halaga ang buhay ng ating OFW...

Mga dagdag na tanong po:
- Paano po kami makaka-kuha ng benepisyo sa ating Gobyerno bilang isang OFW?

-Kailan po ba mahihinto ang pag-supply ng OFW sa ibang bansa?

-Bakit nga po ba may OFW?

Di po pang-habang-buhay ang aming pamamalagi sa ibang bayan bilang OFW at marami po sa amin ang sinawing-palad gaya po ng Pagmamaltrato, Pang-aabuso, Di Pagpapa-sahod, Kasama na po ang Pang-Gagahasa sa ating mga DH na OFW. Pakikipag-sapalaran at itinataya ang buhay para lamang sa Pamilya. Mahirap po ang mangibang-bayan. Sakripisyong dapat gawin para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal sa Buhay.


--
For you have been called to live in freedom, my brothers and sisters. But don't use your freedom to satisfy your sinful nature. Instead, use your freedom to serve one another in love. For the whole law can be summed up in this one command: "LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF". But if you are always biting and devouring one another, watch out! Beware of destroying one another...


allvoices

1 comment:

  1. Just pray and trust God....Walang imposible sa Diyos....Have faith...and I will pray for you and claim the victory!!!

    ReplyDelete